Dora Sa Ilocos!

Bilang isang estudyante, anak, at teenager ang gusto lamang natin sa atin pangaraw-araw ay ang gumala, pumunta sam ga gusto anting puntahan na lugar. Maaring kasama natin ang ating mga magulang o di kaya ang buong pamilya natin. Sa mga susunod na mga litrato, ipapakita ko ang aking karanasan sa Ilocos


Ang unang aming pinuntahan sa ilocos ay ang pinakasikat na lugar sa ilocos at yun ang Vigan! Kilala ang vigan dahil sa lumang estruktura nito. Sa pamamagitan ng pagpunta namin sa vigan naranasan at nakita ko kung paano namuhay ang mga tao noon. Maganda ang mga kalye nito.



Kitang kita ang kagandandahan ng kalye ng vigan sa litrato na ito. Makikita rin dito ang mga lumang kagamitan na ibinebenta upang matandaan natin ang kagandahan nang ating sinaunang mga ninuno.



Ang sunod naman naming pinuntahan ay ang Cape Bojeador Lighthouse. Dito naman makikita ang unang una na ginawang lighthouse sa Ilocos. Proyekto ito ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos. Ramdam na ramdam mo dito ang kaluluwa ng mga tumira doon. Napakaganda dito kaya naman ay sinabihan kami ng Gwardia na magpaalam muna kung papasok sa loob ng light house.







Hindi pa nagtatapos dito ang mga pinuntahan namin sa Ilocos. Isa pa dito ang magandang windmills sa ilocos, dito nila nakukuha ang kanilang mga kuryente, napapagana ng windmill na ito ang mga ginagamit ng mga taga ilocos na enerhiya.


Susunod pa sa aming pinuntahan ay ang isang lumang simbahan sa ilocos. Ito ay maganda sa kanyang estruktura sa pagkat ito ay may lumang klase ng mga brick. Tila’y parang ika’y nasa unang panahon kapag nandoon ka.



Susunod naman naming pinuntahan ay ang sand dunes sa Ilocos. Ito ay napakaganda lalo na kapag sasakay ka sa isang KTV. Makikita mo dito ang kagandahan ng mga sand dunes sa Ilocos. Nakakatuwa rin ito dahil ito ay parang roller coaster ride sa mga sand.


Ang huli naman naming pinuntahan sa ilocos ay ang Kapurpurawan white rock formation. Kitang kita dito ang pagkaputi ng mga rock formation. Madaming pumupunta dito sapagkat maganda ang mga tanawin dito lalo na’t malapit ito sa dagat.