Let's Go, Mindoro!


May mga buhay na isdang-bituin o starfish na nakapalibot sa isang maliit na isla na matatagpuan sa gitna ng tubig. (Wala po kaming sinaktan na starfish at binalik po namin ang mga ito sa dagat.)


Sa swerte ng mga mangingisda sa tabing-dagat, nakahuli sila ng pugita.


Natagpuan namin na may magandang kuweba sa ilalim ng isang isla.


Ginagabay kami ni Boy "Pana" (ang tao na nasa gitna) sa paglangoy sa mga isla upang mabigyan kami ng kaalaman ukol rito at upang maging ligtas kami.


Nagpahinga kami sa isang maliit na isla bago pumunta sa ibang tanawin.


Pag umaga, may isang magsasaka na nakasakay sa kanyang kalabaw na dumadaan sa tabing-dagat na ito.


Ang isla na ito ay isang dambana para sa mga patron ng mga tao rito.


Ang mga mangingisda ay nagkwe-kwento sa amin tungkol sa kanilang bayan habang nanghuhuli ng mga isda.


Sumakay kami sa isang bangka upang matuklasan at makarating sa iba't ibang isla at kuweba.