South Korea: Flight PR 317


Flight PR 317 – Manila, Philippines to Busan, South Korea. Halos 4 na oras ang flight



Pag-iikot sa Nampodong, Busan. Napakaraming street foods ang makikita  dito.




Ito ay sa Gwanggali Beach na matatagpuan sa Busan. Dito mo matatanaw ang isa sa mga mahahabang tulay na makikita sa South Korea.













Mga kainan na makikita sa bus stop. Napakasarap ng mga redtdaurant na matatagpuan dito at sulit ang presyo.



Kami ay nagpunta sa Gwanggalli beach. Napakalamig dito noong araw na iyon.



Ito ang pagdating namin sa Seoul, South Korea. Sumakay kami sa KTX Bullet Train at nagtagal ng halos tatlong oras ang byahe.


Nag-ikot kami sa Seoul ng walang tour guide. Sa pagmamagitan ng google map at napakabait na mga tao, kami ay nakarating sa Myeong-Dongu Station.


Ito ay sa tuktok ng N Seoul Tower. Dito mo makikita ang view sa Seoul.


Naglalakad ng masaya sa N Seoul Tower.


Nandito ang mga love locks. Naglalagay dito ng mga locks ang mga mag nobyo, mag-asawa, pamilya, at magkakaibigan upang mangako na habang-buhay sila magkakasama.


Imahe ng cable car na sinakyan namin pataas ng Tower. Maaari ka rin umakyat gamit ang hagdan ngunit, ito ay napakataas.


Pag-iikot sa Myeongdong. Dito matatagpuan ang mga napakamurang pampakinis at pampaganda ng balat. Dito rin makakakita ng napakaraming street food at KPOP Merchandise.


Nakahanap kami ng isang underground café. Ito ay kilala dahil ang mga nakadisplay na imahe dito ay ginawa ng mga bata.


Mga bulaklak na nakita namin habang kami ay nag-iikot sa Seoul.


Napakalinis ng mga highway dito. Ito ay aking kinuha noong kami ay pabalik na ng Seoul Station.


Ito an KTX Train na aming sinakyan papunta sa Seoul at pabalik ng Busan. Pinakabagong bullet train ito ng South Korea at tumatakbo sa bilis ng 260 kmPH.


Napaka bait ng mga nagtatrabaho dito at napakalinis ng tren. Kahit na mabilis ang takbo, hindi mo ito mararamdaman.


Ito ay isa sa mga station ng subway sa Busan.


Mga pagkain na makikita sa subway. Napakamura at sarap.


Nagkita kami ng aking kaibigan na si Nahyun Park. Sya ay naging kaklase ko nung kami ay Grade 10 at naninirahan na sa Busan ngayon.