See Ya Leyte

Kilala ang Leyte bilang isa sa mga dinadayo tuwing tag-init, lalo na nung panahon na hindi pa ito nadadaanan ng bagyong Yolanda. Ito ay sagana sa mga lugar na parte ng historical heritage ng Pilipinas. Maaring sabihin ng mula pa lamang ng pagtapak mo sa lugar, mararamdaman mo na mayroon ngang mga importanteng pangyayari sa lugar na iyon. 

Ang aking tatay ay lumaki sa Leyte, kaya’t naririnig ko na ang mga magagandang bagay na umiikot tungkol sa Leyte. Kahit na ba hindi siya sa mismong kabisera na Tacloban lumaki, alam parin niya ang halaga ng lugar na iyon.



Unang-unang pinuntahan ng aking pamilya ang lokasyon na napakahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay kung saan muling umapak si Douglas McArthur ng pagbalik upang tulungan ang Pilipinas laban sa mga Hapon noong World War II.


Ang lugar na ito ay tinatawag na MacArthur Landing Memorial National Park. Ito ay matatagpuan sa barangay ng Candahug, ngunit ito ay nasa labas na ng kabisera ng Leyte, na ang Tacaloban. Kabigha-bighani ang laki ng mga rebulto kapag ito ay tabihan. Napakapresko sa lugar na ito sapagkat ito ay tapat ng dagat. Sa bandang harap naman ng park na ito ang mga palaruan at mga nagbebenta ng iba’t ibang pagkain tulad ng cotton candy at popcorn.



            Hindi naman mawawala ang mga napakagandang simbahan sa Leyte. Sa lahat ng mga maaring puntahan na simabahan, pinili ng aking pamilya bisitahin ang Palo Metropolitan Cathedral. Sumakto naman ang bisita naming sa buwan ng mayo kung saan isinasagawa ang piesta para kay Maria, kung saan nagaalay ng mga bulaklak ang mga mamamayan ng lugar.


















                 Maliban dito, mayroon rin kaming napuntahan na maliit na chapel sa loob ng barangay Barayong. Nakakatuwa ang lugar na ito, dahil sinalubong kami ng mga ngiti  at pagbati ng “magandang hapon!” ng mga tagaalaga ng chapel na iyon.



              Mayroon din namang mga naglalakihang hotel sa Leyte. Mararamdaman mo talaga ang pagkakaiba ng siyudad sa probinsya ng Leyte kapag umapak ka na sa isa sa mga hotel na ito. Sa laki kong gulat, ang aking tito ay basta na lamang pumasok sa isang hotel, papunta sa may pool. Nang malaman ko na ito pala ay pinapayagan ng mga may-ari ng hotel, nagawa ko na ding matuwa sa makikita mula sa likod ng hotel na iyon: ang malawak na dagat.



              Ang huli naming napuntahan sa Leyte ay ang isa sa mga pinakakilalang tourist spot sa lugar, ang San Juanico Bridge. Ito ay may haba ng 192 meters at ito ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Ang mas nakaaaliw pa sa tulay na ito na nagdudugtong sa Samar at Leyte, ay kapag tiningnan mula sa taas, makikita na mula sa bahagi ng Samar, ito ay hugis “S” at mula naman sa Leyte, ito ay hugis “L”.


            Maari ko nang sabihin na ako’y nakapunta ng Samar mula Leyte nang naglalakad dahil kami ay bumaba sa pagitan ng border ng Leyte at Samar, at mula dito naglakad.
Ang Leyte ay isang napakagandang lugar na nararapat lang bigyang pansin. Marahil ay hindi na ito tulad ng dati dahil sa sinapit nito sa bagyong Yolanda, ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat kinakalimutan na ang kagandahan ng Leyte.