Isla ng Singapura



Hapon na nang makalapag ang eroplanong sinakyan namin mula Cebu patungo ng Singapore kung saan ako magbabakasyon ng panandalian kasama ang Tito at Tita ko.

Lokasyon: Orchard Road
Tinagurian ang itong bilang Asia’s most famous shopping street sapagkat makikita dito ang iba’t ibang magagarang shopping mall at mga kilalang brands tulad ng Dior, Gucci, Dolce & Gabanna at iba pa.  
Welcome to Universal Studios Singapore!
Hindi masyadong nakikita sa litratong ito kung gaano kalaki ang globe ng Universal Studios, pero kung makikita mo talaga ito ng personal, talagang mamamangha ka. Ang Universal Studios Singapore ay pinalolooban ng dalawampu’t apat na rides, shows, at attractions sa pitong themed zones. 

Welcome to Hollywood!
Isa sa mga themed zones sa Universal Studios SG! Pinapalibutan ito ng iba’t ibang cafĂ©’s, restaurants, at iba pang magagarang shops na aakalain mo talagang nasa Hollywood ka! 

 
Say hi to Marilyn Monroe in Hollywood!
Sa Hollywood, hindi rin mawawala ang mga iba’t ibang celebrities, ngunit itong mga ito ay isang hoax lamang sapagkat hindi sila totoong celebrities dahil ginaganap lamang sila ng mga taong nagtatrabaho sa Universal Studios SG.

Welcome to New York City! 
Talagang nakakamangha (at ang sarap ng sorbetes)!


Isang mistulang bahay o apartment sa NYC themed zone. Naaalala ko ang bahay ni Sherlock Holmes dito. 

Welcome to Ancient Egypt!
Nakamamangha ang themed zone na ito sapagkat napakaganda ng estraktura ng mga estatwa at ang lalaki pa. Masasabi mo talagang nasa Egypt ka!


Ito ang makikita mo pag-apak mo sa Ancient Egypt na themed zone. Manliliit ka sa laki ng mga istatwa ngunit mabibighani ka rin sa ganda nito. 


Welcome to The Lost World – Jurassic Park!
Matatagpuan sa themed zone na ito ang malalaking istatwa ng mga dinosaurs na mistulang nagmula sa palabas na Jurassic Park.



Andito sa themed zone na ito ang isa sa mga paborito kong rides sa Universal Studios, ang Jurassic Park Rapids Adventure at nabibilang ito sa dalawang water rides sa buong Universal Studios SG!
Welcome to Far Far Away!
Sa themed zone na ito matatagpuan ang napakalaking kastilyo ni Shrek at kaniyang asawa na si Fiona. Isa sa mga paborito ko ang 4D Ride na ginaganap sa loob ng kastilyo.
Add caption

 
Welcome to Waterworld!
Dito tinatanghal ang nakakapigil-hiningang palabas ng mga nagtatrabaho sa Universal Studios SG. Isa rin ito sa mga paborito ko sapagkat makikita mo talaga na pinaghandaan ito para sa mga manonood.


Panibagong araw sa SG at nag-city tour kami. Nakasabay namin sa bus ang mga dayuhang ito at sila ay totoong magiliw!


Lokasyon: Clarke Quay.

 
Ang Riverside Point ay pinalolooban ng iba’t ibang restaurants na kadalasan ay puro seafood ang nakakakain. Ito ang isa sa mga pinakapaborito kong lugar sa SG! 

Welcome to Skypark at Marina Bay Sands! 
Ang Marina Bay ay isa sa mga paborito ko sa Singapore sapagkat napakaganda ang pagkakatayo nito at ang gara ng arkitektura.


Isang larawan mula sa tuktok ng Marina Bay Sands. Masusulyapan mo talaga ang buong Singapore!


Huling gabi namin sa SG. Nagtungo kami sa Merlion Park kung saan matatagpuan ang Merlion na kalahating isda at kalahating leon. Isa itong napakamaalamat na simbolo sa isla ng Singapura. 

Lokasyon: Merlion Park

Makikita sa litratong ito ang napakagandang Marina Bay Sands na nasa kanan at ang Singapore Flyer na nasa kaliwa.
Huling sulyap sa syudad ng Singapore.

Talagang isa ito sa mga paborito kong lugar sapagkat balanse ang lahat – presyo ng pagkain at mga iba’t bilihin at kakailanganin ng mga manlalakbay. Hindi ako magdadalawang isip na bumalik muli.